Tartar Sa Mga Ngipin – Tartar in Teeth – Tagalog
Ang tartar sa mga ngipin, na tinatawag ding dental calculus, ay magaspang na deposito na maaaring mag-ipon ng mga dumi sa mga ngipin at magsanhi ng pagmamantsa. Nagreresulta ito sa matinding pagkakakapit na maaalis lang ng isang dental professional. Dahil sa pagkakaroon ng tartar, maaaring mas humirap din ang pagtatanggal ng bagong plaque at bacteria. Malaki ang pagkakaiba ng mga indibidwal sa bilis ng pagkakaroon nila ng plaque at tartar sa mga ngipin. Para sa karamihan sa atin, mas bumibilis ang pagkaipon ng mga depositong ito habang nagkakaedad tayo.
Paano namumuo ang tartar sa mga ngipin?
Kung hindi regular at ganap na natatanggal ang plaque, humahalo sa plaque ang mga mineral sa iyong laway para bumuo ng mga kristal na tumitigas at nagiging tartar.
Paano ko tatanggalin ang tartar sa mga ngipin?
Naaalis ang plaque sa pamamagitan ng pagsesepilyo at pag-floss nang mabuti sa tahanan, ngunit isang propesyonal lang ang makapag-aalis ng dental calculus sa tanggapan ng dentista. Gagamit ang iyong dentista o hygienist na mga matulis na instrumento para kaskasin (kayurin) ang tartar sa itaas at ibaba ng gumline at pakinisin ang surface ng ngipin na nakakatulong para hindi kumapit ang plaque at hindi mamumo ang higit pang tartar.
Bakit mahalagang pigilan ang pamumuo ng dental calculus?
Magaspang ang surface ng tartar at pinapahirap nito ang pag-aalis ng plaque gamit ang sepilyo at floss. Hindi magandang tingnan ang tartar - maaari itong maging kulay dilaw o brown habang naiipon ang mga dumi. Bukod pa rito, dahil nag-iipon ito ng plaque at pinapahirap ang paglilinis sa tahanan, maaari itong makadagdag sa dahilan ng pagkabulok ng ngipin, mabahong hininga, at malulubhang uri ng sakit sa gilagid.
Mga yugto ng pamumuo ng tartar sa mga ngipin
Kaunting Dental Calculus
Katamtamang Dental Calculus
Maraming Dental Calculus
Maraming Dental Calculus
Mga yugto ng pamumuo ng tartar sa mga ngipin
SHARE