Dentalcare logo
Pregnancy Gingivitis 2

Pagkakaroon ng Gingivitis sa Panahon ng Pagbubuntis - Pregnancy Gingivitis - Tagalog

Ano ang pagkakaroon ng gingivitis sa panahon ng pagbubuntis?

Nagkakaroon ng gingivitis kapag naiipon sa ngipin ang plaque, na mayroong bacteria, at naglalabas ng mga toxin na nagdudulot ng iritasyon sa mga gilagid. Kung mayroon kang nagdurugo, namumula, namamaga, nagsusugat o kumikirot na gilagid, malamang na gingivitis ito. (Mula sa dentalcare.com – “What is Gingivitis?)

Pregnancy Gingivitis 1

Ang pagkakaroon ng gingivitis sa panahon ng pagbubuntis ay sanhi ng pagtaas ng hormone na progesterone na nakadaragdag sa pagtaas ng daloy ng dugo sa mga tissue ng gilagid na nagiging sanhi ng pagkasensitibo, pamamaga, at mas malamang na pagdurugo ng mga ito kapag nagsepilyo at nag-floss ka. Dahil sa mga pagbabagong ito sa hormone, mas nagiging madali para sa ilang partikular na bacteria na nagsasanhi ng gingivitis na magparami at dahil dito ay mas nagiging sensitibo ang mga tissue sa gilagid. Bagama’t posible ang pagkakaroon ng gingivitis anumang oras sa pagitan ng ikalawa at ikawalong buwan, karaniwang pinakamalala ito sa panahon ng ikalawang trimester.

Pregnancy Gingivitis

Halimbawa ng Pagkakaroon ng Gingivitis sa Panahon ng Pagbubuntis

Paminsan-minsan, nagkakaroon ng pulang bukol o “overgrowth” sa gilagid – karaniwan na malapit sa itaas na ngipin sa harap. Tinatawag ang mga ito na mga tumor sa panahon ng pagbubuntis at hindi kanser o nakakahawa ang mga ito. Kung nagkaroon ka tumor sa panahon ng pagbubuntis, dapat kang makipag-ugnayan sa iyong dentista, ngunit karamihan sa mga bukol na ito ay nawawala pagkapangananak sa sanggol.

60% hanggang 70% ng mga kababaihan ang nakakaranas ng gingivitis sa panahon ng pagbubuntis

Bakit mahalagang pamahalaan ang pagkakaroon ng gingivitis sa panahon ng pagbubuntis?

Mahalaga ang pamamahala ng gingivitis sa panahon ng pagbubuntis para hindi ito humantong sa mas malubhang uri ng sakit sa gilagid na tinatawag na periodontitis. Ang periodontitis ay maaaring humantong sa mga malubhang problema sa kalusugan ng bibig na maaaring mangailangan ng operasyon o humantong sa pagkatanggal ng ngipin. Ang iyong pangkalahatang kalusugan – gayundin ang kalusugan ng iyong sanggol - ay maaaring maapektuhan dahil sa kalagayan ng iyong mga ngipin at gilagid. Makikita rin sa ilang pananaliksik ang kaugnayan sa pagitan ng mahinang kalusugan ng gilagid at panganganak nang kulang sa buwan.

Ano ang maaari kong gawin para maiwasan ang pagkakaroon ng gingivitis sa panahon ng pagbubuntis?

Ang pagkontrol sa plaque ang pinakamahalagang bagay na magagawa mo para maiwasan ang mga problema sa pagkakaroon ng gingivitis sa panahon ng pagbubuntis. Dapat magsimula ng mahigpit na regular na pangangalaga sa bahay ng wasto at mabusising pagtatanggal ng plaque bago ka pa magbuntis. Hindi magkakapareho ang lahat ng produkto para sa pangangalaga sa mga ngipin at loob ng bibig, kaya tiyaking pumili ng toothpaste at mouthwash na dinisenyong gamutin ang plaque at gingivitis. Subukan ding gumamit ng electric na sepilyong may malambot na bristle para mas mapadali ang pagtatanggal ng plaque.

Mga tip sa pangangalaga sa ngipin at loob ng bibig para sa malusog na pagbubuntis

  • Huwag laktawan ang mga regular na pagpapatingin sa tanggapan ng iyong dentista.
  • Gumamit ng electric na sepilyong may malambot na bristle at marahang mag-floss para maiwasan ang pinsala sa maseselang tissue sa gilagid.
  • Gumamit ng antigingivitis/antiplaque na toothpaste dalawang beses sa isang araw at mag-floss araw-araw.
  • Magmumog gamit ang alcohol-free na antigingivitis/antiplaque na mouthwash.
  • Magmumog pagkatapos ng pagduruwal sa umaga para maiwasang maapektuhan ng mga acid ang iyong mga ngipin at gilagid.
  • Magkaroon ng malusog ng diyeta na may maraming calcium, phosphorus, protein, at bitamina A, C at D.Kausapin ang iyong obstetrician tungkol sa pangangailangan ng mga suplementong bitamina.

BINABATI KA NAMIN!

Habang sinusulit mo ang kapana-panabik na sandaling ito ng iyong buhay, tandaan na may magandang idudulot ang pagbibigay ng espesyal na atensyon sa iyong mga ngipin at gilagid - - at magsisilbi itong magandang halimbawa para sa iyong bagong anak!